Buhay Sa Amerika - Florante


Voter pour Buhay Sa Amerika :
Voter Voter Voter Voter Voter Voter Voter Voter Voter Voter
Tweeter

Paroles de Florante - Buhay Sa Amerika

Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala,



kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba.



at kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa



ng kung ano-ano basta alam na kikita.



Sa dami ng mga binabayarang hulugan



hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan.



Bagay na totoo at hindi kataka-taka,



marami ang ganyan ang buhay sa Amerika.



O ang buhay sa Amerika,



hindi laging langit at hindi laging masaya



lalo na kung malayo sa iyong minamahal



oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal.



O ang buhay sa Amerika,



hindi laging langit at hindi laging sagana



kaya doon sa nangangarap na dito tumira



isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna.



Ditoy pauutangin ka hanggang sa mabaon,



susubsob ka sa hanapbuhay para umahon.



Inaasahang suweldo kahit gaano kataas



lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas.



Ditoy marami rin nagtatagot tumatakbo



dahil sa ang papel nilay hindi pa kumpleto.



Mayrong napipilitang sa kanoy magpakasal



maging legal lamang kahit na yung kanoy bungal.



O ang buhay sa Amerika,



minsan ay malungkot, minsan ay katawa-tawa



At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin,



kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin.



O ang buhay sa Amerika,



hindi laging langit at hindi laging maganda.



Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan



mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian.



Bayan kong Pilipinas tayoy kanyang tatanggapin kahit anong oras.



Pilipinas kong mahal kitay hindi maipagpapalit kahit kailan

Imprimer Buhay Sa Amerika - Florante

Video de Florante - Buhay Sa Amerika

Commentaires sur Florante - Buhay Sa Amerika

Aucun commentaire sur Buhay Sa Amerika pour l'instant...

Commenter la musique de Florante - Buhay Sa Amerika

D'autres titres de Florante

Thématique sur la chanson : Buhay Sa Amerika de Florante

Haut de page