bakit pa ba? - jay r



Nagpapaalam ka dahil nasaktan kita

noo'y 'di nakitang mali ako

ngayo'y alam ko na

sayo'y nagkasala

sana muli ako'y mapatawad pa



araw-araw kang lumuluha

sa akin ay nagmamakaawa

noo'y di napansin pagsamo mo.......



bakit pa ba nagawa nasaktan ko ang isang tulad mo

na labis na nagmamahal

'di napansin na walang katulad ang alay na pag-ibig mo... sa akin

ako sana muli ay patawarin



kay tagal akong bulag sa katulad mo

gayong wagas yaring pag-ibig mo

iniwan pa kitang laging nag-iisa

bakit ba nagawa ito sayo



araw-araw kang lumuluha

sa akin ay nagmamakaawa

noo'y di napansin pagsamo mo....



bakit pa ba nagawa nasaktan ko ang isang tulad mo

na labis na nagmamahal

'di napansin na walang katulad ang alay na pag-ibig mo... sa akin

ako sana muli ay patawarin



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr