sino na ba kaya - anna fegi



Saan ka na kaya ngayon

By: Anna Fegi

Source: www.annafegi.20m.com



Hanggang ngayon walang iba

Pangalan mo'y nakaukit pa

Sa puso kong limot mo na

Hindi matanggap

Mahal mo'y iba



Masaya ka na ba sa piling niya

Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka

Isa pang tanong na medyo presko

Kahit minsan ba'y nasa isip mo ako



Chorus 1:

Sino na kayang kasama mo

Mas magaling ba siyang maglambing sayo

Nais kong malaman

Kahit napakasakit para sa akin 'to

Wala na bang pag-asa sa iyo

Nagtatanong lang naman ako

Saan ka na kaya ngayon

Mahal parin kita... ah

Saan ka na kaya ngayon... ohh ohh



Hanggang ngayo'y sariwa pa

Sugat na sa aki'y dinala

At ako ay umasa

Nagtiwala iiwan lang pala



Sino na ba bagong biktima

Sa mga halik mo baliw ba siya

Isa pang tanong na medyo presko

Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako



Chorus 2:

Sino na kayang kayakap mo

Mas magaling ba siyang maglambing sayo

Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko

Di na ba magbabago ito

Nagtatanong lang naman ako

Saan ka na kaya ngayon

Mahal parin kita... oh oh

Naghahanap ng sagot... oh oh



Ano na kaya kung tayo parin



(repeat chorus I)



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr