Hindi Pa Pala Ikaw - Pops Fernandez



Iisang pangarap na laging nasa isip.

Magkatulad ang ating

mga panaginip.

Maraming tag-araw ang sa atin ay nagdaan.

Sabay din sinalubong

ang maraming tag-ulan.

Ang pagmamahalan

akala ko'y matibay.

Bakit kaya ngayon

Malapit nang magkawalay.



Chorus 1:

Hindi pa pala ikaw

Ang para sa akin

'Pag nagtanong sila

Ano'ng aking sasabihin

Hindi ko maisip

'Di ko akalain.

Hindi pa pala ikaw

Ang para sa akin.



Akalo ko noon ikaw na at ako.

Nalimutan ko pala lahat ay nagbabago.

Pagdating ng tag-ulan baka wala ka na.

Pagdating ng tag-araw 'di na ikaw ang kasama.

Ang pagmamahalan

Akala ko'y matibay

Bakit kaya ngayon

Tayo ay naghihiwalay.



Chorus 2:

Hindi pa pala ikaw

Ang para sa akin.

Kung sino man siya

minsan ko pang hahanapin.

Kung aalis ka na

Hindi kita pipigilin.

Hindi pa pala ikaw

Ang para sa akin.



Repeat Chorus 2.



Paalam na Mahal.

Masakit man.....sa akin.

Hindi pa pala ikaw.

Ang para....... sa akin.



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr