Sori Na - Parokya Ni Edgar



Sorry na, kung nagalit ka

Di naman sinasadya

Kung may nasabi ma ako

Init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago

Pangako sa iyo



Sorry na, nakikinig ka ba?

Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito

Na ayaw magpatalo

At parang sirang tambucho

Na hindi humihinto



Sorry na talaga

Kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nagiisip

Nauuna ang galit

Sorry na talaga

Sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako

Hwag sana magtampo

Sorry na



Sorry na, hwag kang madadala

Alam kong medyo nahihirapan ka

Na ibigin ang isang

Katulad kong parang timang

Na pa ulit-ulit kang hindi

Sadyang nasasaktan



Sorry na, saan ka pupunta?

Please naman hwag kang mawawala

Kapag ako ay iwan mo

Mamamatay ako

Pagkat hawak mo sa iyong

Kamay ang puso ko



Sorry na talaga

Kung ako'y medyo tanga

Hindi kasi nag iisip

Nauuna ang galit

Sorry na talaga

Sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako

Hwag sana magtampo

Sorry na



Mahal kita, sobrang mahal kita

Wala na kong pwedeng sabihin pang iba

Kundi sorry talaga

Di ko sinasadya

Talagang sobrang mahal kita

Wag kang mawawala

Sorry na



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr