Batangas Coffee - Parokya Ni Edgar



Bumangon ka na diyan at baka ika'y kapuyin

Ipunin na ang tubal at ito'y ating usungin

Pagpanaog dahan-dahan at huwag tutulog-tulog

Mahuna na ang hagdanan at baka ika'y mahulog



Salaula sa babag beinte-nuebe balisong

Paglamon o bakbakan siguradong di uurong

Bulalo, lomi at balatong, purunggo at tutong

Huwag mong sasayangin siguradong mabubusong



Tumatagurtor na ang tuhod ko pare

Walangjo naging nerbyoso dahil sa kapeng barako

Idaan mo na lang sa gin, alah-eh with ice na rin

babarik nang babarik nang babarik nang babarik



alah-eh!



Ano gang iyong problema, maglaro ka't maglibang

Bayuot ang iyong mukha aba'y hindi dapat gay-an

Gusto mo gang mag-jolen, basketbol-teks sa daan

kakam-baliw ay iwasan at mamahaw ka na laang!



Ang galpong ay isalang at sa medyas ay salaain

Pagkatapos patiningin ay iulam mo sa kanin

Bulalo, lomi at balatong, purunggon at tutong

Huwag mong sasayangin siguradong mabubusong!



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr