Nag-Iisang Ikaw - Louie Heredia



Araw-araw na lang

Ay naghihintay sa 'yo

Nananabik na mahagkan at mayakap ka

Iniwan mong alaala

Ang s'yang lagi kong kasama

Bakit kapag wala ka

Sadya bang kulang pa



Bakit kaya gano'n

Ang s'yang nagdarama

Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata

Marahil ay ikaw na nga

Sa akin puso ang ligaya

Dahil sa 'yo ako'y wala nang hahanapin pa



Ikaw ang pag-ibig ko

Ang tawag ng damdamin

Ang mabuhay nang wala ka

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

Ay laging ikaw

Nasa t'wina'y nagtatanaw

Sa aking puso'y may tinatangi

Ang nag-iisang ikaw



Bakit kaya gano'n

Ang s'yang nadarama

Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata

Marahil ay ikaw na nga

Sa akin puso ang ligaya

Dahil sa 'yo ako'y wala nang hahanapin pa



Ikaw ang pag-ibig ko

Ang tawag ng damdamin

Ang mabuhay nang wala ka

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

Ay laging ikaw

Nasa t'wina'y nagtatanaw

Sa aking puso'y may tinatangi

Ang nag-iisang ikaw



Kahit na ano'ng mangyari

Magmamahal pa rin sa yo

At ang lagi kong iisipin

Mahal mo rin ako



Ikaw ang pag-ibig ko

Ang tawag ng damdamin

Ang mabuhay nang wala ka

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

Ay laging ikaw

Nasa t'wina'y nagtatanaw

Sa aking puso'y may tinatangi

Ang nag-iisang ikaw



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr