Pawis At Tubig - Florante



Nais guminhawa ng bawat tao,



may nagsusumikap may nangloloko.



Kahit sa eskuwela ay mapupuna,



mayrong nag-aaral at may nangongopya.



Pawis at tubig ay magkaiba,



langit at lupa kung ikokompara.



Kay raming tubig lalo nat tag-ulan



ngunit di babaha ng pawis kailan man.



Nais guminhawa ng bawat isa,



may gumagawa at may umaasa.



Kahit sa pag-awit ay mapupuna,



may orihinal at may nanggagaya.



Pawis at tubig ay magkaiba,



langit at lupa kung ikokompara.



Kay raming tubig lalo nat tag-ulan



ngunit di babaha ng pawis kailan man.



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr