Dalaga Ka Na - Florante



Dalaga ka na, marami ang manliligaw



May pang-umaga, may pang tanghali,



mayrong panghapon at may panggabi.



Bilang ama ako ay nagtitiwala,



naniniwala bawat sandali ikaw ay hindi magmamadali.



Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan



at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan.



Dalaga ka na, mahaba pa ang panahon.



Marami ka pang pagpipilian



na kapwa tayo ay sasangayon.



Bilang ama palagi akong gagabay,



Ituring akong iyong kaibigan,



iyong kakampi sa habangbuhay.



Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan



at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan.



adlib



Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan



at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan.



Dalaga ka na at mag-aasawa ka rin.



Sundin ang puso at ang damdamin



higit sa lahat pakaisipin.



Bilang ama hangad ko ang iyong ligaya.



Ayokong ikaw ay magsisisi



at mayrong lungkot na madarama.



Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan



at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr