Bigkas - Florante



Araw araw tayo ay may pinag-uusapan tayo ay nagkakaintindihan



ngunit mayrong salita na tayoy naa-asiwa kung ang pagbigkas ay hindi tama



Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit iba ang ibig sabihin



Kung mali ang pagbigkas ikay mawawala, narito ang ilang halimbawa



Puno- puno, Gabi-gabi, Paso-paso, Huli-huli



Hamon-hamon, Dala-dala, Hapon-hapon, Kita-kita



Araw araw din tayo ay mayrong nababasa at binibigkas sa ting isipan



Minsan sa pagbasa tayo ay naliligaw kung ang pananda ay hindi tama



Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit magkakaiba ng diwa



Kung mali ang pananda ikay mawawala, narito ang ilang halimbawa



Basa-basa, Upo-upo, Pasa-pasa, Tayo-tayo



Balat-balat, Bunot-bunot, Bukas-bukas, Buko-buko



Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayoy di magkalituhan



Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan



Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayoy di magkalituhan



Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan



Ligaw-ligaw, Pusod-pusod, Buhay-buhay, Aso-aso



Saya-saya, Tubo-tubo, Pito-pito, Bangko-bangko



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr