Ngayong Pasko - Dingdong Avanzado



'Di ko na inisip na magkakalayo

Sabi mo sa akin ay mahal mo ako

Ngunit anong nangyari

Pag-ibig mo'y binawi

Ngayong pasko nag-iisa ako

Noong araw tuwing pasko

Ika'y naglalambing

At ang tamis ng pag-ibig

Ay kapansin pansin

Ngunit wala na yatang natitirang pag-asa

Ngayong pasko nangangarap ako



CHORUS:

Sana naman ay makapiling kang muli

Hindi mo lang alam

Na ikaw ang tanging minimithi

O giliw ko,

Sana'y malaman mo

Na ang hiling ng puso ko'y ikaw

Ngayong pasko



Bakit ba mapaglaro ang tadhana

Nung huling pasko'y nandito ka

Ngayon ay wala

Hanggang kailan ito

Nawala sa piling mo

Ngayong pasko ikaw ang nais ko



(REPEAT CHORUS)



At kahit wala ka na

Mahal pa rin kita



(REPEAT CHORUS)



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr