Mangyari Na Ang Lahat - Dingdong Avanzado



Minsan na akong nagkamali

Nilisan ka't iniwan nang nag-iisa

At tila ba daigdig ko'y nagdilim

Hinanap-hanap ang liwanag ng iyong pag-ibig

At kahit 'di ko maintindihan

Kung pa'no mo nagawang patawarin ako

Isang katotohanan ang nalalaman ko

At nais kong ito'y malaman mo



Mangyari na'ng lahat

Magbago na'ng mundo

Walang di ko magagawa sa piling mo

At lahat ay gagawin

'Wag lamang ang sa yo'y malayong muli

Mangyari na'ng lahat

Huwag lang ang ika'y mawala sa 'kin



Minsan na akong nagkamali

Asahan mong di ko 'to magagawang muli

Ngayong nalaman ko, ikaw ang buhay ko

Alalahanin ang pangakong ito



Mangyari na'ng lahat

Magbago na'ng mundo

Walang di ko magagawa sa piling mo

At lahat ay gagawin

'Wag lamang ang sa yo'y malayong muli

Mangyari na'ng lahat

Huwag lang ang ika'y mawala sa 'kin



Wooh, anumang mangyari ay nandito ako

Anumang mangyari ay isipin mong

Ikaw lang ang ligaya, wala na ngang iba

Buong buhay ko'y mamahalin kita

At..



Mangyari na'ng lahat

Magbago na'ng mundo

Walang di ko magagawa sa piling mo

Lahat ay gagawin

'Wag lamang ang sa yo'y malayong muli

Mangyari na'ng lahat

Huwag lang ang ika'y mawala sa 'kin



Mangyari na'ng lahat

Huwag lang ang ika'y mawala sa 'kin



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr