Kung Maibabalik - Dingdong Avanzado



Alam kong tapos na ang lahat sa atin

Ngunit ikaw pa rin ang laman ng damdamin

Pinilit ko na'ng ikaw ay limutin

Ngunit ang puso ko ay sa 'yo pa rin



Bakit ba, bakit ba

Pag-ibig ko'y patuloy pa rin



Kung maibabalik ko lang

Ang ating nakaraan

Ibibigay ko buong puso ko at di na muling mag-aalinlangan

Kahit magpakailanman

Patuloy kong aasahan

Ang 'yong pagbalik sa aking piling

Sana ako'y muli mong ibigin



Minsan pa, minsan pang

Ulitin natin ang kahapon



Kung maibabalik ko lang

Ang ating nakaraan

Ibibigay ko buong puso ko at di na muling mag-aalinlangan

Kahit magpakailanman

Patuloy kong aasahan

Ang 'yong pagbalik sa aking piling

Sana ako'y muli mong ibigin



Sana ako'y muli mong ibigin



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr