Mainit Na Kili-Kili - Blah



Masdan mo ang takbo ng buhay

Mapapansin minsan ay hiwalay

Minsa'y hindi maiwasan

Ang mag-away-away

Nalilito kung saan sisilong

Bumabara ang mga ilong

Pataasan ng mga ihi

Hindi mo alam kung saan pinaglihi

Mainit na kili-kili

Naghahanap pa ng sili

Magsusuot ng kapote

Sa init ng gabi

Mainit na kili-kili

Nanghahabol ng kotse

Mahuhuli na ba sa biyahe

Kakapit sa sungay ni demi

Bawasan mo ang iyong galit

Pakialis na rin pati inggit

Lalo ka pang pumapangit

Nangangamoy ka ng anghit

Lumalabas ang iyong tunay na kulay

Kumakapal ang iyong mukha

Lumalabas ang iyong sungay

Namana mo sa iyong itay



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr