Tagumpay Ng Lahi - Lea Salonga



Ako'y anak ng lupang hinirang

Kung saan matatagpuan

Ang timyas ng perlas ng silangan

Nagniningning sa buong kapuluan



Taglay ko ang hiwaga ng silangan

At saan mang bayan o lungsod

Maging timog hilaga at kanluran

Ang pilipino ay namumukod



Refrain:

Sama-sama nating abutin

Pinakamatayog na bituin

At ang aking tagumpay

Tagumpay ng ating lahi

Tagumpay ng ating lipi

Ang tanging minimithi at hinahangad

Hangad ko'y tagumpay nating lahat



Ako ay may isang munting pangarap

Sa aking dakilang lupain

At sa sama-sama nating pagsisikap,

Sama-sama ring mararating



Ang iba't ibang galaw, iisaang patutunguhan

Dito, isang araw, isang kapuluan



(Repeat Refrain)



Hangad ko'y tagumpay nating lahat



**Elise**



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr