Lupa Man Ay Langit Na Rin - Lea Salonga



(vehnee saturno)





Nakita ko ang tunay na pag-asa

Natagpuan ang tunay na ligaya

Mahal naming panginoon ako'y sumasamba

Pagka't sa piling mo'y walang kasing ganda



Ikaw ang nagturo ng tamang landasin

Sa puso at aking damdamin

Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin

Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin



Umasa kang ikaw ang iisipin

Pangalan mo ang laging tatawagin

Mahal naming panginoon hindi ka lilimutin

Pagka't ikaw ang siyang gabay ng damdamin



Ikaw ang nagturo ng tamang landasin

Sa puso at aking damdamin

Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin

Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin

Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin



Le Meilleur de toute la Musique en Paroles, Chansons et Lyrics sur www.Paroles-Lyrics.fr